Pilipinas lalo pang paghahandaan ang kaso laban sa China kaugnay ng West Philippine Sea

WEst PHIkinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang pasya ng United Nations International Tribunal na may hurisdiksyon sa reklamo ng Pilipinas laban sa pang-aangkin ng China sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, tiniyak ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na paghahandaan ng pamahalaan ang susunod na hearing ng tribunal.

Ayon naman kay Communication Secretary Sonny Coloma, ang desisyon ng UN Tribunal ay pagkakataon para iprisinta ng Pilipinas ang merito ng kaso nito kontra China.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na welcome sa kanila ang nasabing desisyon at sabik na sila na ipagpatuloy ng tribunal ang pagdinig sa mga argumento ng Pilipinas.

Read more...