Suporta mula junior at senior officers dumarami – Trillanes

By Erwin Aguilon September 07, 2018 - 11:37 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Inihayag ni Senator Antonio Trillanes na dumarami pa ang mga aktibong miyembro ng militar na nagpahayag ng pagsuporta sa kanya.

Sa press conference ni Trillanes, sinabi nito na mga junior at senior officers ng AFP ang mga ito.

Ang mga ito anya ang nagbibigay ng mga dokumento at critical information sa kanya.

Tinatawagan anya siya ng mga ito upang magpahayag ng pagsuporta sa kanyang nararanasan ngayon.

Sinabi anya sa kanya ng mga ito na umaasa sila na hindi magagamit sa nangyayaring political exercise sa bansa.

Gayunman, iginiit ni Trillanes na propesyunal ang buo ang AFP at hindi ang mga ito gagawa ng hakbang na labag sa kanilang mandato at sinumpaan.

Paliwanag nito, maaring may mga personal na opinyon ang mga miyembro ng AFP pero tapat sila sa kanilang mandato.

TAGS: antonio trillanes, Radyo Inquirer, antonio trillanes, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.