Oplan Greyhound isinagawa sa bilangguan sa Cebu, shabu at mga kontrabando nasabat

CDN Photo

Nagsagawa ng sorpresang Oplan Greyhound sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) sa Cebu City.

Pinasok ng mga tauhan ng Cebu Provincial Police Office (CPPO) at Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7) ang bilangguan pasado alas 4:00 ng madaling araw ng Biyernes (September 7).

Sa isinagawang paghalughog may mga nakuhang sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, improvised weapons, mga cellphones, speakers at iba pang bawal na gamit.

May nakuha ring mga tableta ng ecstasy na isasailalim sa confirmatory test ng mga otoridad.

Read more...