2 dayuhan at Pinay na sangkot sa “black dollar scam” arestado sa Makati
Arestado ang dalawang lalaking Cameroonian at isang Pinay sa ikinasang entrapment operation ng mga otoridad sa Makati City.
Ang dalawang dayuhan na kinilalang sina Samuel Djumba, 47 anyos at Patian Libukan, 36 anyos at ang pinay na si Sarah Miranda, 47 anyos ay nadakip sa Makati City Hotel dahil sa pagkakasangkot sa
“black dollar” scam.
Ayon sa Regional Special Operations Group, isang negosyante ang nagreklamo sa modus ng tatlo.
Ipinakilala umano siya ni Miranda kina Djumba at Libukan na nagturo umano sa kaniya kung paanong kulayan ang U.S. dollar bills gamit ang “unwashable” ink para maiwasang ma-detect ng mga otoridad.
Sa ilalim ng “black dollar scam” o “wash wash scam”, ipinakikita ng mga suspek sa kanilang target na biktima ang bundle-bundle na kinulang US dollar bills.
Sasabihan ang biktima na kinulayan ang dollar bills para hindi ma-detect ng mga otoridad at pagkatapos, hihimukin siyang bumili ng kemikal na maaring makapagbura sa ginamit na pangkulay.
$50,000 umano ang hiningi ng mga suspek kay Cruz para ipambili ng kemikal sa pangkong mati-triple naman ito kapag naalis na ang kulay sa mga dolyares.
Pero naghinala ang bitkima kaya nagsumbong sa mga pulis.
Nakuha mula sa mga suspek ang mga pekeng US dollars bills, mga bills na kinulayan, mga cell phone, black at white US dollar bill-sized paper, cleaning solution, sabon, at syringe.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong Syndicated Estafa at Illegal Possession and Use of False Treasury o Bank Notes and other Instruments of Credit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.