Balitang aarestuhin na si Trillanes, fake news ayon kay SP Sotto

Wala pa ring natatanggap na koordinasyon ang Senado mula sa Armed Forces of the Philippines para sa pag-aresto kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ito ay sa kabila ng mga balita na maaring arestuhin anumang oras si Trillanes.

Tinawag itong fake news ng lider ng senado at sinabing mayroon lamang nagpapakalat nito.

Samantala, nananatili pa rin sa loob ng kanyang tanggapan dito sa Senado si Trillanes kung saan ito nagpaliapas ng magdamag.

Mas mahigpit naman ang seguridad na ipinapatupad sa Senado pero nilinaw ni Senate Sgt. at Arms Jose Balajadia na ito ay normal lamang kapag walang sesyon ang Senado.

Read more...