PH dance group na Junior New System bigong makapasok sa grand finals ng America’s Got Talent

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 10:04 AM

FB Photo

Sa kabila ng magandang performance sa semi-finals nabigo ang Filipino dance group na Junior New System na makapasok sa grand finals ng “America’s Got Talent”.

Bumilib ang mga hurado ng talent show grupo dahil sa ipinakita nila sa semi-finals.

Sa video na inupload sa You Tube ng official account ng talent show, ipinakita ang performance ng all-male dance group na kilala sa pagsasayaw at kanilang stunts nang naka-high heels.

Tinawag na “brilliant” ni Mel B ang performance ng grupo na aniya ay isangdaang porsyentong best performance ng Junior New System. Sinang-ayunan naman ito ni Simon Cowell.

Ayon naman sa judge na si Heidi Klum ang ginawa ng Junior New System sa semi-finals ang unang pagkakataon na sya ay nakasaksi ng ganoong uri ng stunts.

Spectacular naman ang pagsasalarawan ni Howie Mandel sa ginawa ng grupo.

Pero kahit naging maganda ang komento ng mga hurado, bigo silang makakuha ng spot para sa grand finals.

TAGS: america's got talent, Junior New System, america's got talent, Junior New System

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.