Aktor na si Burt Reynolds pumanaw sa edad na 82

Sumakabilang buhay na ang beteranong aktor na si Burt Reynolds.

Kinumpirma ng kanyang manager na si Erik Kritzer na sumakabilang buhay ang 82-year old actor sa isang ospital sa Florida dahil sa atake sa puso.

Si Reynolds ay sumikat noong dekada sitenta at tumagal ng anim na dekada ang career.

Noong 1997 ay kinilala ang kanyang pagganap sa pelikulang “Boogie Nights”.

Noong isang taon, naging critically acclaimed ang pagganap niya sa pelikulang “The Last Movie Star”.

Si Reynolds ay nakilala sa mga pelikulang “Deliverance,” “Cannonballs” at “Smokey and the Bandits.”

Read more...