Lalaki namaril sa isang bangko sa Ohio, 3 ang patay

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 08:13 AM

Tatlong katao ang nasawi matapos pagbabarilin ng isang lalaking suspek sa isang bangko sa Cincinnati sa Ohio, USA.

Ayon sa mga pulis, nagsimulang mamaril ang lalaki sa loob ng loading dock sa Fifth Third Bank headquarters at pagkatapos ay pumasok sa lobby kung saan siya nakipagpalitan ng putok sa mga otoridad.

Ayon kay Cincinnati Mayor John Cranley, agad ding napatay ng mga pulis ang suspek.

Maliban sa tatlong nasawi ay mayroon ding mga nasugatan sa insidente.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Cranley sa pamilya ng mga nasawi.

Pinasalamatan din ni Cranley ang mabilis na aksyon ng mga otoridad na aniya ay naging daan para hindi na dumami pa ang nabaril ng suspek.

TAGS: Cincinnati, Fifth Third Bank, Foreign News, ohio, Radyo Inquirer, Cincinnati, Fifth Third Bank, Foreign News, ohio, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.