Grupong BAYAN, naghahanda para sa serye ng kilos protesta laban sa China

By Ruel Perez October 30, 2015 - 11:41 AM

United-Nations-Arbitral-Tribunal-Hague-Philippines-vs-China-maritime-dispute-West-Philippines-Sea-South-China-Sea
Inquirer File Photo

Ikinatuwa ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa Netherlands na nagsasaad na may jurisdiction ito sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng West Philippine Sea.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes Jr., ibig sabihin nito ay maaari nang tumuloy ang kaso batay sa merito nito.

Tutol ang grupo sa ginagawa ng China na iligal na pag-angkin ng 90% ng West Philippine Sea pati ng mga isla ng Spratly’s.

Maliban dito, hinahadlangan na rin nito ang pangingisda ng mga Pinoy na mangingisda sa Panatag Shoal.

Nakatakdang magsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang militanteng grupo sa Nobyembre bago ang APEC, kontra sa umanoy pangangamkam ng China na umanoy magiging malakas na batayan ng Pinas sa UN Convention on the Law of the Sea bilang batayan na nagtatakda ng hangganan ng ating mga dagat at isla.

Sa kabila ng desisyon ng UN Tribunal tungkol sa pagkakaroon nila ng hurisdiksiyon, naninindigan ang China na hindi ito papasailalim sa proseso ng naturang hukuman.

TAGS: China, Grupong BAYAN, UN tribunal, WestPHSea, China, Grupong BAYAN, UN tribunal, WestPHSea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.