Administrasyong Duterte kakalampagin ng isang grupo dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 07:37 AM

Isang noise barrage ang isasagawa ngayong araw para ipakita ang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ang pagkilos na tinawag na “Arestuhin ang Presyo: Kalampagin si Dutertre” ay pangungunahan ng grupong Kalipunan ng Kilusang Masa.

Isasagawa ang noise barrage sa Boy Scout Circle sa Timog, Quezon City alas 5:00 ng hapon.

Ayon sa grupo, labis nang naaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin ang mga mahihirap na mamamayan.

Hihilingin din nila sa pamahalaan na gumawa na ng mga hakbang para matiyak na bababa ang presyo ng bilihin at serbisyo. (END/DD)

 

TAGS: Kalipunan ng Kilusang Masa, noise barrage, quezon city, Kalipunan ng Kilusang Masa, noise barrage, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.