Senado magdamag na isinailalim sa lockdown

By Justinne Punsalang September 07, 2018 - 06:44 AM

Inquirer Photo | Grig Montegrande

Sa ikatlong gabi ng pananatili ni Senador Antonio Trillanes IV sa loob ng Senado ay nagkaroon ng paghihigpit sa seguridad sa buong compound.

Alas-11 ng gabi nang isara ang gate ng Senado mula sa mga sasakyan ng media, ngunit maaari namang makapasok ang mga mamamahayag.

Alas-12 naman ng hatinggabi nang isailalim sa lockdown ang Senate building, kung saan ibinaba ang rollup gate sa gusali.

Maaaring makalabas ng Senate building, ngunit pahirapan na ang pagpasok muli dito.

Ayon sa isang security personnel, normal ang kanilang operasyon, ngunit nagkaroon sila ng bahagyang paghihigpit sa seguridad. Mas marami rin aniya ng kanilang bilang kagabi.

Pagdating ng alas-5 ng umaga ay muli nang pinapayagan ang mga sasakyan ng media na makapasok sa GSIS Compound, kung saan naroon ang Senado.

Kahapon nang umugong ang mga balita na ipaaaresto na si Trillanes ngunit hanggang sa ngayon ay walang dumating na mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kawani ng Department of National Defense (DND) upang dakpin ang senador.

Kumpyansa si Trillanes na paiiralin ng AFP at DND ang professionalism at hindi siya huhulihin.

TAGS: Antonio Trillanes IV, lockdown, Radyo Inquirer, Senate, Antonio Trillanes IV, lockdown, Radyo Inquirer, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.