P12M halaga ng smuggled na sibuyas nasabat ng Customs

BOC Photo

Hinarang ng Bureau of Customs ang pagpasok sa bansa ng P12 milyon halaga ng smuggled na sibuyas.

Ang mga sibuyas ay lulan ng anim na 40-footer na container nang dumating ito sa Manila International Container Port o MICP.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapena, hindi umano idineklarang sibuyas ang laman ng nasabing mga container.

Nang inspeksyunin, nakita ang patung-patong na kahon ng mga mansanas, pero nang busisiin ay may mga nakasingit na bag-bag ng sibuyas sa pagitan ng mga kahon.

Ayon kay MICP District Collector Atty. Balmyrson Valdez magpapalabas sila ng warrant of seizure at detention sa nasabing kontrabando.

Read more...