Kinse anyos nahulihan ng marijuana sa loob ng paaralan sa Pasay City

By Justinne Punsalang September 07, 2018 - 06:34 AM

Hawak ngayon ng pulisya ang isang 15 taong gulang na binata matapos mahulihan ng marijuana sa isa Pasay City.

Dahil menor de edad ay hindi na pinangalanan pa ang suspek na nag-aaral sa Corazon National High School sa Barangay Maricaban.

Ayon sa mga otoridad, itinawag sa kanila ng security guard ng paaralan ang tungkol sa binatang nahulihan ng ilang pakete ng marijuana.

Agad na nagtungo sa eskwelahan ang mga elemento ng Maricaban PCP ng Pasay City Police upang kumpirmahin ang report at doon nila dinatnan ang menor de edad at pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Pinag-aaralan na ng mga otoridad kung masasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang binatang suspek.

TAGS: 15 years old arrested, Corazon National High School, Maricaban, Marijuana, Radyo Inquirer, 15 years old arrested, Corazon National High School, Maricaban, Marijuana, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.