Kilos protesta para sa kakulangan ng tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda, ikinasa mula Nov. 1-8

yolanda-tacloban
Inquirer File Photo

Idadaan sa kilos protesta ng mga biktima ng Bagyong Yolanda ang paggunita ng Undas kasabay ng paggunita rin ng ika-2 taong anibersaryo ng pananalasa ng malakas na bagyong may international name na Haiyan.

Magtitipun-tipon ang mga biktima at kaanak mula sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas at magsasama-sama sa Tacloban City para sa serye ng mga kilos protesta mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 8 para kundinahin ang umano’y naging kapabayaan ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga nabiktima ng bagyo.

Magsisindi ng kandila ang mga biktima na bumubuo sa grupo ng People Surge, na alyansa at nagsama samang mga biktima bilang paghimok na itaas ang antas ng kilos protesta upang makapag rehistro ng malinaw na mensahe para kumilos ang gobyerno at maipagkaloob na ang karampatang tulong sa mga biktima.

Umaapela rin ang grupo sa pangunguna ni People Surge Secretary General Marissa Cabaljao na huwag iboto si Liberal Party standard bearer Mar Roxas na nakunan ng video na mistulang pinagagalitan ang Tacloban Mayor dahil sa umano’y red tape sa pamamahagi ng relief goods.

Read more...