6 patay sa engkwentro sa pagitan ng militar at Maute sa Lanao del Sur
Patay ang anim katao kabilang ang isang sundalo at dalawang sibilyan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng 49th Infantry Battalion at ng Maute Group sa Sultan Dumalondong, Lanao del Sur.
Hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlang ng sundalong namatay sa sagupaan.
Habang ang dalawang sibilyan naman na nasawi ay naipit na naganap na bakbakan.
Ayon kay Deputy Commander of Task Force Ranao Col. Romeo Brawner, kinilala ang dalawa sa tatlong katawan na kanilang narekober ay sina alyas Mobarak at alyas Popular.
Ang naturang dalawa ay kilala lang mga sub-leaders ng grupo sa ilalim ni Owayda Benito Marohomsar alyas Abu Dar.
Narekober din ng militar sa lugar ng insidente ang dalawang M-16 rifle na pawang may mahahabang magazine, limang short magazines, isang IED na may triggering device, 17 cellphones , 2 tablets, isang ICOM radio at isang rifle scope.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.