9 patay sa lindol na tumama sa Hokkaido, Japan

Courtesy of AFP

Hindi bababa sa siyam na katao ang namatay sa tumamang lindol sa Hokkaido, Japan.

Aabot naman sa 366 katao ang sugatan kung saan lima dito ang nasa malubhang kalagayan.

Habang nasa 30 naman ang nawawala matapos tumama ang magnitude 6.7 na lindol.

Ayon kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe nasa 25,000 na tropa at iba pang mga tauhan ang ipapadala sa Hokkaido para tumulong sa mga rescue operations.

Samantala aasbot sa tatlong milyong kabahayan ang walang kuryente sa lindol.

Una dito ay binayo ng napakalakas na lindol anng Japan na nagdulot sa matinding pagbahan sa kanlurang bahagi ng bansa na nagdulot ng pagsasara ng paliparan malapit sa Osaka at Kobe.

Read more...