2 holdaper patay sa engkwentro sa Calamba, Laguna

Courtesy of Calamba Police

Patay ang dalawang holdaper matapos manlaban sa mga pulis sa Brgy. Bucal, Calamba City.

Sa impormasyon mula sa Calamba Police, pauwi sana ang mga biktimang sina Angelyca Espocia Ona at Reynalyn Redona Lluvioso mula sa simbahan nang magdeklara ng holdap ang dalawang lalaki.

Sakay ng motorsiklo ang mga suspek at sapilitang kinuha ang mga gamit ng biktima saka kumaripas sa hindi malamang direksyon.

Dahil dito, agad na nagsumbong sa nagpapatrolyang mga pulis ang mga biktima na agad namang natunton ang mga suspek.

Nagpapatutok ang dalawang holdaper sa mga pulis kaya’t gumanti ang mga ito ng putok na nagresulta sa agaran nilang pagkamatay.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ninakaw na SLR camera, cellphone, at pera ng mga biktima maging mga bala, dalawang hindi tiyak na kalibre ng baril at motorsiklong ginamit ng mga suspek.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga nasawing suspek.

Read more...