Stephen Curry, dumating sa bansa

Dumating sa bansa ang two-time NBA Most Valuable Player na si Stephen Curry gabi ng Huwebes.

Nandito si Curry para sa kanyang Manila leg ng kanyang SC30 Asia tour.

Magiging bahagi din ng opening ceremony si Curry ng UAAP Season 81.

Sa kanyang Instagram story, kanyang ipinost ang video ng kanyang mga tagahangang inabangan ang kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito na ang pangalawang beses ni Curry na magtungo sa Pilipinas.

Read more...