2 Attack Cobra Helicopters mula Jordan, darating na sa bansa sa July 2019

Tuloy na ang pagbibigay ng bansang Jordan ng dalawang Attack Cobra Helicopter sa Pilipinas.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go, sa Hulyo ng susunod na taon makukuha ang
dalawang helicopter.

Pero ayon kay Go, hindi bago kundi pawang segunda mano ang dalawang helicopter.

Makukuha aniya ang mga helicopter kapag natapos na sa training ang mga piloto ng Philippine Air Force na nakatoka sa
paggamit nito.

Ayon kay Go, may kasama pang ibang items na ibibigay ang Jordan.

Kabilang dito ang mortars, baril o rifles at rocket propelled grenades o rpg.

Nauna nang sinabi ni Philippine Ambassador to Kingdom of Jordan Akmad Atlah Sakkam na mahalagang magkaroon ng
mas matibay na defense cooperation ang Pilipinas at Jordan para labanan ang patuloy na terorismo sa ibat ibang bahagi
ng mundo.

Matatandaang makailang beses nang sinabi ng pangulo na hindi na niya muna babanatan si United Nations Human
Rights High Commissioner Zeid Raad Al Hussien kahit na binabatikos ang kanyang anti-drug war campaign at dapat na
umanong magpatingin sa psychiatrist ang punong ehekutibo.

Si Zeid ay miyembro ng royal family ng at pinsan ni King Abdullah II ng Jordan.

Read more...