Duterte babalik nang mas maaga sa bansa mula Jordan

By Rhommel Balasbas September 06, 2018 - 11:55 PM

Babalik ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte mula Jordan isang araw na mas maaga sa orihinal niyang iskedyul.

Ito ang inanunsyo ng Palasyo ng Malacañang ngunit wala namang sinabing ispesyal na rason kung bakit babalik nang maaga ang presidente.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, matatapos ang lahat ng official engagements ng pangulo sa Biyernes.

Batay sa orihinal na schedule ng pangulo ay nakatakda itong lumipad pabalik ng bansa Sabado ng gabi at darating ng Linggo ng umaga, ngunit dahil sa pagbabago ay darating na Sabado ng umaga sa Davao City ang presidente.

Sa Biyernes, ang huling aktibidad ng pangulo ay ang pakikipagkita sa Filipino Community sa Royal Cultural Palace alas-7 ng gabi.

Si Pangulong Duterte ang kauna-unahang presidente ng bansa na bumisita sa Jordan at maging sa bansang Israel na kanyang binisita mula noong Linggo hanggang kahapon, araw ng Miyerkules.

TAGS: Duterte in Israel, Duterte in Jordan, Malacanan, Palace, state visit, Duterte in Israel, Duterte in Jordan, Malacanan, Palace, state visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.