Apat na araw na official visit ni Pang. Duterte sa Israel naging matagumpay

By Chona Yu September 06, 2018 - 01:15 PM

Ibinida ng Malakanyang na naging mabunga at matagumpay ang apat na araw na official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go, bukod sa milyong dolyar na business investment, maayos din ang pagtrato ng Israel sa mga Overseas Filipino Worker.

Dagdag ni Go, walang OFW ang nagsumbong sa pangulo na hindi naging maganda ang pagtrato sa kanila ng Israel.

Matatandaang isa sa mga napagkasunduan sa pagsbitia ng pangulo ang Memorandum of Agreement on the Temporary Employment of Home-based Filipino Caregivers na kung saan nakapaloob ang pagbawas ng hanggang $12,000 sa binabayaran ng mga caregivers sa pag-abroad sa Israel.

Sa ngayon, nasa Jordan na ang pangulo para sa official visit.

Tatagal ang pagbisita ng pangulo sa Jordan hanggang sa September 8.

TAGS: israel, Jordan, official visit, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, israel, Jordan, official visit, Radyo Inquirer, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.