Seguridad sa taunang Peñafrancia Festival sa Naga inilatag na
Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP)ang ipatutupad na seguridad para sa paghahanda sa isasagawang prusisyon ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga, Camarines Sur simula bukas, September 7.
Ayon kay Regional Police Spokesperson CInsp. Maria Luisa Calubaquib, tinatayang aabot sa tatlong batalyon ng mga pulis na may kabuuang bilang na 3,000 ang ipakakalat sa lugar.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga bisita at residente sa kasagsagan ng pista mula bukas hanggang September 15, araw ng Sabado.
Mag-dedeploy ng ilang pulis sa bahagi ng mga simbahan, malls, mga terminal at siguruhin ang “critical infrastructures” tulad ng communication at power lines.
Ayon pa kay Calubaquib, humiling na ang pamahalaang lokal ng Naga kay PNP chief Director General Oscar Albayalde na maglabas ng direktiba ukol sa 10-day gun ban sa kasagsagan ng pista.
Ito ang ikinokonsidera bilang pinakamalaking religious event sa naturang rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.