Tom Rodriguez ipinagtanggol si Lovi Poe sa bashers

By Angellic Jordan September 06, 2018 - 12:15 PM

IG Photo

Ipinagtanggol ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez ang co-star na si Lovi Poe mula sa mga kritiko nito.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Tom ng ilang larawan ng eksena kung saan makikitang kasama niya si Lovi sa susunod na episode ng “Dear Uge.”

Dito na nagbigay ng negatibong komento ang isang netizen na ayaw sa aktres.

Ayon sa basher, halatang may gusto si Lovi kay Tom at panonoorin lang aniya nito ang mga palabas ni Tom kung ang kasintahang si Carla Abellana ang makakatambal.

Agad namang dinepensahan ni Tom si Lovi.

Paliwanag ni Tom, itigil na ang pag-bash sa mga artista dahil magkakaibigan sila at ginagawa lang ang kanilang trabaho.

Aniya, nauunawaan nito na may ilang fans na nais sila ni Carla ang magkapareha ngunit kailangan aniyang manatili ang suporta nang hindi nakakasakit ng ibang tao.

Matatandaang dati nang nagsama sina Tom at Lovie sa pelikulang “The Significant Other” noong Pebrero.

TAGS: Lovi Poe, Radyo Inquirer, Tom Rodriguez, Lovi Poe, Radyo Inquirer, Tom Rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.