DFA inaalam kung may nadamay na Pinoy sa bumagsak na missile sa Saudi Arabia

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2018 - 11:56 AM

Inaalam na ng Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah kung may Pinoy na nadamay sa pagbagsak ng missile sa Najran, Saudi Arabia.

Ang nasabing missile ay nagawang maharang ng mga otoridad ng Saudi pero ang debris nito ay bumagsak sa isang residential area sa Najran at aabot sa 23 ang nasugatan.

Pawang minor injuries lamang naman ang natamo ng mga sugatang residente.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inaalam na ngayon ng Philippine Consulate sa Jeddah ang lagay ng mga Pinoy na nasa Najran.

Sa datos, sinabi ni Consul General Edgar Badajos, aabot sa 7,850 na mga Filipino ang nagtatrabaho sa nasabing bahagi ng Saudi Arabia.

TAGS: DFA, Najran Saudi Arabia, Radyo Inquirer, DFA, Najran Saudi Arabia, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.