Dating Sen. Manny Villar pumangalawa sa pinakamayayaman sa Pilipinas ayon sa Forbes

By Angellic Jordan September 06, 2018 - 11:37 AM

Pumangalawa na ang businessman na si Manuel Villar sa pinakabagong listahan ng mayayamang tao sa Pilipinas sa Forbes magazine.

Ayon sa naturang business magazine, umabot na ang net worth ng dating senador sa $5 billion o katumbas ng P267.3 bilyon.

Triple ang itinaas nito sa dati nitong net worth na $1.6 billion noong nakaraang taon.

Ito na ang pinakamataas na pwestong naabot ni Villar simula ng mapabilang sa eksklusibong listahan noong 2006.

Pinalitan ni Villar sa pwesto ang Chinese-Filipino businessman na si John Gokongwei Jr. na ngayon ay nasa ikatlong pwesto sa listahan.

Mula kasi sa $5.5 billion, bumaba ang net worth Gokongwei sa $4.4 billyon ngayong taon.

Samantala, nananatili namang nangunguna sa listahan ang chairman ng SM Investments na si Henry Sy na may net worth na $18.3 billion.

Narito ang bagong listahan ng pinakamayayamang Pilipino sa bansa:

1. Henry Sy – $18.3 billion
2. Manuel Villar – $5 billion
3. John Gokongwei Jr. – $4.4 billion
4. Jaime Zobel de Ayala – $4 billion
5. Enrique Razon Jr. – $3.9 billion
6. Tony Tan Caktiong – $3.85 billion
7. Lucio Tan – $3.8 billion
8. Ramon Ang – $2.85 billion
9. George Ty – $2.75 billion
10. Andrew Tan – $2.6 billion

TAGS: BUsiness, Forbes, Manny Villar, richest in the philippines, BUsiness, Forbes, Manny Villar, richest in the philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.