34 inaresto sa Batangas dahil hindi tumayo habang inaawit ang Lupang Hinirang sa sinehan

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer.net September 06, 2018 - 10:00 AM

Aabot sa 34 na katao ang inaresto ng mga pulis sa loob ng isang sinehan sa Lemery, Batangas matapos hindi tumayo habang inaawid ang Lupang Hinirang.

Sa ulat ng Inquirer.net, naganap ang pag-aresto noong Miyerkules (Sept. 5) batay sa police report.

Nakasaad sa report na manood ang mga inarestong indibidwal ng pelikulang “The How’s of Us” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang sinehan sa mall sa Lemery.

Nang awitin ang “Lupang Hinirang” bago ang palabas ay hindi umano tumayo ang mga moviegoer.

Ayon sa mga otoridad, kawalang respeto sa pambansang awit ng bansa ang ginawa ng mga dinakip na indibidwal.

Ang mga naaresto ay sasampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines.

TAGS: Batangas, Lemery, Lupang HInirang, National Anthem, Radyo Inquirer, Batangas, Lemery, Lupang HInirang, National Anthem, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.