19 nawawala, 120 sugatan sa malakas na lindol sa Hokkaido, Japan

AP Photo

Umabot sa 19 na katao ang naitalang nawawala sa magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Japan.

Nagdulot kasi ng landslides at pagkawasak ng ilang tahanan at pagkasira ng mga gusali ang nasabing lindol na unang itinala sa 6.6 magnitude pero kalaunan ay itinas sa 6.7.

Nagpatupad din ng emergency shutdown ang Hokkaido Electric Power Company sa lahat ng kanilang fossil fuel-fired power plants na nagdulot ng malawakang blackout.

Sa ngayon aabot sa 2.95 million na mga bahay ang walang kuryente.

Naapektuhan din ang main airport ng Hokkaido na New Chitose Airport at isinara muna ngayong araw.

Read more...