Pagkustodiya ng Senado kay Sen. Trillanes ipinaalam sa Malakanyang – SP Sotto

Ibinahagi ni Senate President Tito Sotto III na ipinaalam nila sa Malakanyang ang desisyon na isasailalim sa kustodiya ng Senado si Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Sotto sa komunikasyon nila sa Palasyo, ipinaalam niya na ang tradisyon sa Senado ay sinusunod ng senate president.

Dagdag pa ng senador wala silang ibang motibo sa komunikasyon kundi ipaalam lang sa Palasyo ang dahilan ng pagkanlong nila kay Trillanes.

Aniya wala pang sagot ang Malakakanyang hinggil dito.

Sinabi ni Sotto na sa kanyang palagay ay naiintindihan naman ng Malakanyang ang kanilang posisyon.

Read more...