CHR Chair Gascon tila nag-aabogado kay Trillanes – Panelo

Binuweltahan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon dahil sa pakikisawsaw sa gusot na kinakaharap ngayon ni Senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa kanyang pinawalang-bisang amnesty.

Tanong ni Panelo kay Gascon, abogado ba siya ng senador?

Ayon pa kay Panelo, wala nang ibang ginawa si Gascon kung hindi ang banatan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala aniyang karapatan si Gascon na makisawsaw sa isyu dahil wala naman itong partisipasyon sa legal battle ni Trillanes.

Nauna rito sinabi ni Gascon na hindi maaaring bawiin ang amnestiyang ibinigay kay Trillanes kaya’t sisiguraduhin nitong mabantayan at mapangalagaan ang karapatang pantao ng senador.

Matatandaang binanatan na rin ni Gascon ang anti-drug war campaign ni Pangulong Duterte kung saan sinabi nitong nauwi na sa extra judicial killings ang kampanya bagay na pinabulaanan ng punong ehekutibo.

Read more...