Walang Pinoy na naapektuhan ng Bagyong Jebi sa Japan

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2018 - 08:41 AM

Photo: Japan Now

Walang Pinoy na naapektuan ng paghagupit ng Typhoon Jebi sa Japan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy ang kanilang monitoring at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Tokyo at sa Philippine Consulate General sa Osaka ligtas ang mga Pilipino doon.

Mayroong 280,000 na mga Filipino na naninirahan sa lugar na hinagupit ng bagyo.

Ang mga Pinoy na mangangailangan ng tulong ng konsulada ay maaring tumawag sa +8180 4928 7979 at sa +8190 4036 7984.

Kasabay nito nagpahayag ng simpatya ang DFA sa Japan lalo na sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan.

TAGS: DFA, Japan, Jebi, DFA, Japan, Jebi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.