LOOK: P2P bus na biyaheng Trinoma – Park Square, Makati

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2018 - 08:02 AM

NEOPLAN SKYLINER PHOTO

Simula noong September 1, mayroon nang biyahe ng P2P bus na mula Trinoma patungong Park Square sa Makati at pabalik.

Inaprubahan na ang maximum fare para sa nasabing ruta na P100 habang P80 naman kapag senior citizens, estudyante, buntis at PWDs. Habang libre na ang sakay para sa mga PWDs na naka-wheelchair.

Ang lahat ng double-deck luxury buses ay pawang air-conditioned at mayroong CCTV cameras, TVs at libreng Wi-Fi.

Mayroon din itong retractable wheelchair ramp para sa mga PWDs.

Regular ang magiging operasyon ng P2P bus para sa naturang ruta araw-araw mula Lunes hanggang Sabado.

Ang biyahe sa umaga galing Trinoma ay alas 6:00 ng umaga at alas 8:30 ng umaga. Habang sa gabi naman ay alas 7:00 ng gabi at alas 10:00 ng gabi.

Sa Park Square, Makati naman, ang biyahe ay alas 7:30 ng umaga at alas 5:30 ng hapon, at alas 8:30 ng gabi at alas 11:0 ng gabi.

TAGS: Makati, P2P bus, Park Square, Radyo Inquirer, trinoma, Makati, P2P bus, Park Square, Radyo Inquirer, trinoma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.