Lalaki nagsimba muna at saka nangholdap ng tindahan sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2018 - 06:57 AM

Arestado ang isang lalaki makaraang holdapin ang kahera ng isang tindahan sa Maynila.

Tinangay ng suspek na kinilala sa alyas na “Virgilio” ang 33,000 pesos na halaga na kita ng isang tindahan sa bahagi ng Dapitan.

Pero agad nakapagsumbong ang kahera kaya agad ding naaresto ang suspek.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ng suspek na bago niya ginawa ang panghoholdap, dumaan muna siya sa Quiapo Church para ihingi ng tawad ang gagawing krimen.

Mayroon lang aniyang sakit ang kaniyang anak kaya kailangan nya ng panggastos.
Iaamin din ng suspek na baril-barilan lang ang ginamit niya nang holdapin ang tindahan.

TAGS: arrested, holdupper, manila, arrested, holdupper, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.