Rayver Cruz, balik-Kapuso network na

By Rhommel Balasbas September 06, 2018 - 06:37 AM

Matapos ang mahigit isang dekada ay balik-Kapuso network ang aktor na si Rayver Cruz

Tila nasagot na ang mga ispekulasyon tungkol sa paglilipat-bakod ni Rayver matapos mamataan sa compound ng GMA Network Center noong nakaraang linggo.

Kahapon, Miyerkules ay kinumpirma na ng network ang muling pagbabalik ng aktor sa kanilang istasyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Rayver na bagama’t sinimulan niya ang karera sa showbiz sa GMA ay isang panibagong simula ito sa kanya.

Iginiit ng aktor na bukod sa pagsasayaw ay gusto niyang gumaling pa sa pag-arte.

Taong 2004 nang pumirma si Rayver ng kontrata sa Star Magic na talent management agency ng ABS-CBN.

Noong nakaraang buwan lang din natapos ang huling teleseryeng kinabilangan nito sa Kapamilya network na ‘Bagani’.

Samantala, ipinahayag ng dancer-actor ang kagustuhang makatrabaho si Marian Rivera na dati anya ay pinapanood niya lamang sa teleseryeng Marimar.

TAGS: GMA 7, Kapuso Network, Rayver Cruz, GMA 7, Kapuso Network, Rayver Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.