Para patunayan na nabasura na ang kanyang mga kinaharap na kaso matapos bigyan ng amnestiya, kumuha ng mga kopya ng court order si Senador Antonio Trillanes IV na nagbabasura sa mga kasong kudeta at rebelyon.
Ang mga certified true copies ng court orders mula sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branches 148 at 150.
Sinabi pa ng senador na kung nawawala ang kanyang amnesty application, hindi na niya ito kasalanan.
Samantala, kinukuwestiyon nila Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senador Chiz Escudero ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibinigay na amnestiya kay Trillanes.
Dagdag pa ni Trillanes, hindi siya nababahala sa pag-aresto sa kanya dahil handa siyang magpakulong, aniya ang kanyang ikinabahala ay ang mga ginagawang hakbang ng administrasyon.
Inulit ni Trillanes na mananatili lang siya sa Senado gaano man tumagal hanggang sa mapatunayan niya na tama ang kanyang posisyon.