Robin Padilla tinawag na mukha ng kudeta si Senador Trillanes

Niresbakan ng aktor at kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Robin Padilla si Senador Antonio Trillanes IV na tinawag siyang bata dahil sa panawagan nitong sumuko na matapos mapawalang bisa ang ibinigay ditong amenstiya.

Ayon kay Padilla, kung meron mang bata sa kanilang dalawa, ito ay ang senador na tila naglalaro ng taguan dahil sa pananatili sa Senado para makaiwas sa pag-aresto.

Tulad ng Malacañan, naniniwala si Padilla na hindi niya hinarap ang mga kaso sa kanya noon.

Humingi lamang umano siya at binigyan ng amnestiya pero hindi nito pinagbayaran ang kanyang ginawa.

Para kay Padilla, ang senador ang mukha ng pagkukudeta sa pamahalaan.

Hindi rin dapat aniya ginagamit ng senador ang kanyang posisyon para ilagan ang batas.

Iginiit ni Padilla na magbabantay siya sa Senado hanggang sa maaresto si Trillanes hindi bilang supporter ni Pangulong Duterte kundi bilang isang ordinaryong Pilipino.

Read more...