AFP at PNP hindi dapat maging sunod-sunuran kay Pangulong Duterte ayon sa isang mambabatas
Hinikayat ni Magdalo Representative Gary Alejano ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na huwag sumunod sa iligal na ipinag-uutos sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Alejano, walang sapat na basehan, walang kaso, at walang warrant of arrest para hulihin si Senador Antonio Trillanes at muling ikulong.
Ipinaalala ng kongresista na nanumpa ang AFP at PNP na susundin at poprotektahan ang batas.
Hindi naman aniya private armies ang mga sundalo at pulis dahil ang mga ito ay hukbo para sa mga Pilipino.
Idinagdag pa nito na hindi dapat hayaan ng militar at pulisya na mabahiran ng diktaturyang Duterte ang integridad na pinangangalagaan ng AFP at PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.