Publiko pinayapa ni Speaker GMA sa mataas na inflation rate
Pinakalma ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang publiko kaugnay sa pag-akyat sa 6.4% ng inflation rate ng bansa noong buwan ng Agosto.
Ayon kay Speaker GMA, pumalo sa 6.6% ang inflation rate ng bansa noong March 2009 habang siya ay presidente.
Nagawa anila itong pababain sa loob lamang ng tatlong buwan dahil sa mga hakbang na kanilang ginawa.
Kabilang aniya rito ang malawakang importasyon ng bigas at pamimili ng aning palay ng mga magsasaka.
Paliwanag ng House Speaker, mayroon namang ginagawang paraan ang pamahalaan upang pababain ang inflation sa mabilis na panahon.
Idinagdag naman ni GMA na hindi dapat isisi lamang sa TRAIN 1 ang pagtaas ng inflation rate dahil hindi naman ang nasabi lamang batas ang dahilan ng pagtaas nito dahil kabilang dito ang exchange rate, presyo ng isda, bigas, karne at langis.
Sinabi pa ni Speaker GMA na binabantayan niya kung nakinig sa kanyang suhestyon ang pamahalaan para mapababa ang inflation rate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.