Senador Trillanes hindi maaaring arestuhin ayon sa isang mambabatas

Nanindigan si Albay Representative Edcel Lagman na hindi maaaring ipaaresto si Senador Antonio Trillanes IV dahil sa dating kaso may kaugnayan sa pag-aalsa laban sa pamahalaan.

Ayon kay Lagman, hindi maaaring gamiting
warrant of arrest ang Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte para arestuhin si Trillanes.

Paliwanag nito, tanging korte lamang ang maaaring magpalabas ng warrant of arrest at ang maaaring basehan lamang ay ang kasong kriminal na nakabinbin sa korte.

Matagal na aniyang naibasura ang kasong kudeta laban kay Trillanes may kaugnayan sa Oakwood mutiny noong taong 2003.

Ibinasura aniya ang kaso matapos itong mabigyan ng amnesty base sa Department of National Defense (DND) Ad Hoc Committee Resolution No. 2.

Bukod dito, idineklara din aniyang constitutional ng Supreme Court (SC) ang amnesty na ibinigay kay Trillanes at iba pang miyembro ng grupong Magdalo.

Read more...