Paninira ni Senador Trillanes kay Pangulong Duterete, inciting to sedition ayon kay Panelo
Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na inciting to sedition na ang ginagawa ni Senador Antonio Trillanes IV nang himukin nito ang publiko na huwag matakot at lumaban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Panelo, naghahasik na si Trillanes ng kaguluhan at nanghihikayat sa taumbayan na magrebelde sa pamahalaan.
Malinaw aniya na labag sa batas ang ginagawa ni Trillanes.
Sinabi pa ni Panelo na dapat ay umayos at magpakabait na si Trillanes lalo na’t sa kanyang pag-aakala ay nabigyan na siya ng amnestiya dahil sa kasong kudeta nang mag-aklas sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi pa ni Panelo na ang pinanghahawakan ni Trillanes na amntesy ay kahalintulad ng isang contional pardon na may kaakibat na kundisyon na dapat sundin.
Kapag nilabag aniya ang mga kondisyon marapat lamang na bawiin ito gaya ng sitwasyon niya ngayon.
“Sa aking pananaw, eh kahit na nga merong valid amnesty, iyong ginagawa ni Mr. Trillanes na nagbibigay siya ng mga seditious utterances laban sa gobyerno at laban sa Presidente at naghahasik siya ng kumbaga parang nag-i-incite siya na mag rebelde ang taumbayan dito sa pamahalaan. Eh iyon eh isang paglabag sa batas at parang—alam mo kasi iyong grant of amnesty, eh humingi ng tawad iyong nagkasala at pinapatawad naman,” ani Panelo.
Nakadidismaya ayon kay Panelo dahil puro paninira na lamang ang ginawa ni Trillanes kay Pangulong Duterte.
“Parang conditional pardon iyan. Di ba kapag isang bilanggo humingi ng pardon at binigyan ng conditional pardon, merong terms, meron kang dapat mga kondisyones na dapat susundin mo, kapag nilabag mo iyan, ire-revoke sa iyo; ganundin iyan ang katutubo o nature ng grant of amnesty, kailangan maging mabuti kang mamamayan. Sumusunod ka sa batas,” ani Panelo.
Puro batikos aniya si Trillanes subalit hindi naman nakapagbibigay ng mga ebidensya.
Ayon kay Panelo, malinaw na nagtatanim ng poot at galit si trillanes laban sa pamahalaan at kay Dangulong Duterte.
“Pero—eh gaya ng ginagawa niya, napaka-incorrigible niya, lahat na lang paninira ang ginagawa niya. Mag-aakusa siya, hindi niya mapoprobahan, sinisiraan niya si Presidente, parang naghahasik siya ng… nagtatanim siya ng poot at galit laban sa pamahalaan at sa Presidente,” dagdag pa ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.