P3.5M kontrabando sinira ng BOC sa Bulacan

By Alvin Barcelona September 06, 2018 - 12:00 AM

Sinira na ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P3.5 milyong halaga ng mga kontrabando sa Angat, Bulacan.

Kabilang dito ang P2 milyong pisong jelly candies mula sa dalawang 40-foot container van na naka-consign sa Richco Marketing.

Sinira ang mga ito sa pamamagitan ng composting/rendering.

Sinira din ang laman na mga helmet ng dalawa pang 40-footer container van na consigned sa Mild Red Trading na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Ang apat na abandonadong container vans ay na-condemn sa Zafra Feed Milling sa Angat, Bulacan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.