Carlo Aquino itinago ang ilang binigay sa kanya ni Angelica Panganiban habang sila ay magkarelasyon pa

By Justinne Punsalang September 06, 2018 - 12:01 AM

Angelica Panganiban Instagram

Inamin ni Carlo Aquino na mayroon pa rin siyang hawak na ilang mga alaala mula sa kanyang relasyon kay Angelica Panganiban.

Sa press conference sa kanilang pelikulang “Exes Baggage,” sinabi ni Carlo na itinago niya ang ilang mga CD na ibinigay sa kanya ng aktres. Maging aniya ang ilang mga litrato.

Sinabi rin ng aktor na nainis siya dahil alam niyang mayroon siyang itinagong video mula kay Angelica ngunit hindi na niya makita iyon sa ngayon.

Dagdag pa ng aktor, nasa kanya rin ang ilan sa mga diary ng aktres.

Biniro pa ni Carlo si Angelica at sinabing ipapasilip niya sa kanilang mga taga-hanga ang diary entries sa pamamagitan ng Instagram Stories.

Anim na taong naging magkarelasyon ang dalawa ngunit bagaman naghiwalay na sila ay nanatili silang close.

Kapwa naman nila inamin na bukas sila sa posiblidad na magkabalikan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.