Ginebra wagi kontra North Port sa PBA Governor’s Cup

By Justinne Punsalang September 06, 2018 - 12:34 AM

Tinalo ng Barangay Ginebra Gin Kings ang North Port Batang Pier sa kanilang naging tapatan kagabi para sa 2018 PBA Governor’s Cup.

Natapos ang tapatan sa iskor na 104-98, pabor sa Gin Kings.

Ayon sa head coach ng Ginebra na si Tim Cone, kailangan nilang magkaroon ng maayos na game play dahil sa ngayon ay tila nasa survivor mode pa lamang ang kanilang koponan.

Aniya, kailangan nilang mag-focus sa magandang defense upang patuloy na manalo sa torneo.

Pinangunahan ni Japeth Aguilar ang koponan matapos makapagtala ng 23 puntos, 12 dito ay naibigay niya sa huling bahagi ng laro.

Naitala naman ni Stanley Pringle ang game-high na 34 points para sa Batang Pier.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.