Suspek sa pambobomba sa Abra naaresto na

By Justinne Punsalang September 06, 2018 - 04:01 AM

Makalipas ang halos siyam na buwang paghahanap sa suspek sa pagpapasabog ng bomba sa La Paz, Abra ay naaresto na ito ng mga otoridad sa bayan ng Lagayan sa kaparehong probinsya.

Nakilala ang suspek na is Joel Millare Balucas, 45 taong gulang na isang magsasaka.

Sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Raphiel Alzate ng Bangued Regional Trial Court (RTC) Branch 1 naaresto si Balucas.

Matatandaang dalawang pulis ang nasawi dahil sa insidente, habang sugatan naman ang 26 katao, kabilang si Abra Representative Joseph Bernos at kanyang asawa.

Mahaharap si Balucas sa kasong double murder at multiple counts of attempted murder.

Samantala, patuloy pang hinahanap ang mga kasabwat ni Balucas sa pambobomba.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.