Bunsod ng hagupit ng Typhoon Jebi ay nagkansela na rin ng flights ngayong araw ng Huwebes patungo at paalis ng Osaka, Japan ang Cebu Pacific.
Sa abiso ng airline, nananatiling suspendido ang Kansai International Airport dahil sa pinsalang idinulot ng bagyo.
Kanselado ang sumusunod na flights:
- 5J 828: Manila-Osaka
- 5J 827: Osaka-Manila
Samantala, kanselado rin ang mga sumusunod na flights ng Philippine Airlines (PAL) ngayong araw:
- PR408/407: Osaka-Manila-Osaka
- PR410/409: Cebu-Osaka-Cebu
- PR896/897: Taipei-Osaka-Taipei
Sinabi ng airlines na ang mga apektadong pasahero ay maaaring magparefund; magparebook sa mga susunod na available na flights o hindi kaya ay magpareroute sa iba pang airports ng Japan depende sa availability ng seats.
MOST READ
LATEST STORIES