M3.1 na lindol naitala sa Surigao del Norte
By Rhommel Balasbas September 06, 2018 - 04:00 AM
Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-2:36 madaling araw ng Huwebes.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 120 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos.
May lalim ang pagyanig na 28 kilometro at tectonic ang dahilan.
Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.