Pangulong Duterte nasa Jordan na

By Rhommel Balasbas September 06, 2018 - 02:00 AM

REUTERS

Matapos ang kanyang makasaysayang biyahe sa Israel ay nasa Jordan na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Lumapag sa Queen Alia International Airport sa Amman ang eroplanong lulan ang presidente alas-5:17 ng hapon o alas-10:17 ng gabi sa Pilipinas.

Si Duterte ang kauna-unahang Filipinong pangulo na bumisita sa Jordan simula nang mabuo ang bilateral ties noong 1976.

Nakatakdang makapulong ng presidente si King Abdullah II ng Jordan para pag-usapan ang ugnayan ng dalawang bansa.

Isang business forum din ang pangungunahan ng pangulo kung saan magbibigay siya ng talumpati sa harap ng Jordanian businessmen para hikayating mamuhunan sa bansa.

Inaasahang nasa $10 milyong investment deals ang lalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Jordan ayon sa Department of Trade and Industry.

Mayroong ding mga lalagdaang kasunduan tungkol sa labor, defense at foreign affairs.

Makikipagkita rin si Duterte sa Filipino Community sa Royal Cultural Palace. Ayon sa datos ng gobyerno, nasa 40,000 Pinoy workers ang nasa naturang bansa.

Babalik ng Pilipinas si Pangulong Duterte sa Sabado para wakasan ang kanyang state visits sa Israel at Jordan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.