USD82.9M na business agreement naselyuhan ng Israel at Pilipinas

Aabot sa USD82.9 million na halaga ng investment deals ang iuuwi ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang apat na araw na official visit sa Israel.

Ito ay matapos magpahayag ng interes ang 21 kompanya sa Israel na maglagak ng pagnenegosyo sa bansa.

Tatlong memorandum of agreements (MOA), 11 memorandum of understanding (MOU), at pitong letters of intent ang napagkasunduan ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga nasabing investment commitments ay may kinalaman sa shipping, information technology, arms manufacturing, tourism development, at food distribution na inaasahang lilikha ng 790 trabaho para sa mga Pilipino.

Nagkasundo rin ang dalaang bansa na magtayo ng state of the art medical center sa Cagayan Special Economic Zone and Freeport para sa pangangailangang medikal sa Cagayan Economic Zone Authority na nagkakahalaga ng isang milyong dolyar.

Read more...