Ayaw nang maulit ni Senate President Tito Sotto III ang senaryo kahapon na dumagsa ang mga armadong pulis at sundalo na naatasan arestuhin si Senator Antonio Trillanes IV.
Ibinahagi ni Sotto na magpapalabas sila ng memorandum para magpaalam muna ang mga sundalo at pulis na nais pumasok ng Senate compound.
Ipinaliwanag ng pinuno ng Senado na dapat ay lumapit sa Senate sergeant-of-arms ang mga pulis at sundalo na papasok sa kanilang lugar at ito ay kailangan na ihingi muna sa kanya ng permiso.
Dagdag pa ni Sotto hindi naman isyu ang mga pulis at sundalo sa paligid ng Senado dahil aniya dagdag seguridad pa ang mga ito ngunit pagdidiin ng senador kailangan lang ilagay sa ayos ang lahat.
Sa ngayon ay may ilang pulis pa rin na nananatili sa loob ng bakuran ng Senado.
Aniya kapag natapos nila ang memo ay agad nilang padadalhan ng kopya ang PNP.