P2-per-minute charge para sa Grab at iba pang TNVS aprub sa LTFRB

By Isa Avendaño-Umali September 05, 2018 - 06:46 PM

Pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang transport network vehicle services o TNVS, kabilang na ang Grab Philippines na maningil sa mga pasahero ng P2.00 per minute charge.

Sa memorandum circular o MC number 2018-019, otorisado na ang mga TNVS na maningil ng P2.00 sa kada minuto ng travel time o biyahe mula sa origin o pinanggalingan hanggang sa destinasyon.

Ito ay bilang bahagi ng fare structure ng mga TNVS.

Sakop nito ang lahat ng uri ng TNVS vehicles gaya ng sedan, AUV o 6-seater, SUV at sub-compact.

Inoobliga naman ang mga ito na mag-isyu ng resibo kung saan nakasaad ang breakdown ng pamasahe, kabilang na ang flagdown rate, per kilometer rate, travel time rate at surge price.

Epektibo ang paniningil ng P2.00 per minute charge sa kada travel time, labing limang araw matapos ang publication ng memorandum circular sa mga pahayagan.

Ang utos ay pirmado nina LTFRB Chairman Martin Delgra at board members Atty. Aileen Lizada at Engr. Ronaldo Corpus.

 

TAGS: BUsiness, charge, delgra, Grab, lizada, ltfrb, TNVS, BUsiness, charge, delgra, Grab, lizada, ltfrb, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.