P100-M na halaga ng fake na sapatos nasabat sa Cavite

BOC file photo

Mahigit-kumulang P100 Million na halaga ng mga pekeng sapatos at tsinelas ang nasabat ng mga otoridad sa Bacoor, Cavite Martes ng gabi.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng Regional Intelligence Division ng Calabarzon Police ang dalawang bodega sa nasabing lugar.

Nakita sa loob ng bodega ang kahon-kahon at sako-sako na naglalaman ng mga pekeng produkto mula sa China.

Naaresto rin ang tatlong Chinese na caretaker habang pinaghahanap pa ang isa pang sinasabing namamahala sa bodega.

Agad ikinasa ang raid sa nasabing lugar matapos lumabas na positibo sa isinagawang test buy dito.

Read more...